Wednesday, 21 January 2015

PAMANHIIN NG MGA MATATANDA NOONG UNANG PANAHON HANGGANG SA NGAYONG KASALUKUYAN halo-halo

       Ang pamanhiin ay mga paniniwala na nagmula pa sa ating mga ninuno at nagpasalin-salin na lang sa bawat henerasyon. Ito ay mga paniniwala na may kinalaman sa ating mga kaugalian, gawi o kilos na karapat-dapat gawin ayon sa mga matatanda. 
         Sagana tayo sa mga pamanhiin dito sa mga parte ng pilipinas, ang ilan ay hindi nanininiwala subalit karamihan ay isinasabuhay pa rin ang mga pamanhiing ito.
          Hindi masama kung tayo ay susunod o maniniwala sa mga nakagisnan nating mga pamanhiin mula pa sa ating mga NINUNO.
           Ito ay isa lamang BABALA NA MAITUTURIN sa ating BUHAY.                


                         "Bawal sukatin ang damit pang kasal, 
     Dahil baka hindi matuloy ang kasal."

"Bawal magwalis sa loob ng bahay pag may patay,
Dahil nasa paligid lang ang kaluluwa nito at baka daw maitaboy."

"Bawal kumain kapag madili o patay ang ilaw,
Sasaluhan ka daw ng lamang lupa."

"Masama makasalubong ang itim na PUSA,
Senyales daw ito na may masamang mangyayari."

"Bawal maligo kung BIYERNES SANTO,
Lalo daw madaragdagan ang kasalanan ."

"Masama makapanaginip ng nabunot ang ngipin,
may mamamatay daw na kamag-anak.(Dapat ikagat agad sa matigas na bagay ng di na mangyari pa.)"

"Bawal kumanta habang nagluluto sa harap ng kalan,
makapag-aasawa ka ng matanda sayo."

"kapag ikaw ay nasugatan ng BIYERNES SANTO,
Matagal bago ito mag HILOM."

"Bawal magwalis ng gabi, Pinipigilan ang pasok ng suwerte."

"Bawal magwalis ng palabas sa pinto, Inilalabas ang suwerte ng nasa loob ng tahanan."

"Ilagay ang libro sa ilalim ng unan bago matulog, 
Upang maisaulo ang nilalaman ng LIBRO."

"Baliktarin ang suot na damit  Kung ikaw Ay naliligaw Ng daan,
Ng matugunan mo ang iyong paroroonan."

"Sa unang dalaw ng babae kailangan tumalon sa hagdanan mula sa ikatlong baitang nito, Para hindi lumampas ng tatlong araw ang bisita."

"huwag papaswit o sisipol sa gabi, Sa pagkat Tinatawag mo ang mga ASUWANG."


"Suwerte ang pagreregalo ng arinola sa bagong kasal, Hindi kailaman mawawalan ng pang-gastos sa araw-araw."

"Iwasan ng dalawang ikakasal ang maglakbay ng malayong lugar lalo na kapag papalapit na ang kanilang pag-iisang dibdib, May trahedyang magaganap na di kanais-nais lapitin ng disgrasya."


Kailangang iwasan ng babaeng nagbubuntis na tumingin o saktan ang mga bagay o hayop na may di kaaya-aya ang itsura sapagkat maaaring makuha ng kaniyang ipinagbubuntis ang ganoong itsura.


"Huwag dumalo sa lamay o makipaglibig Kapag ikaw ay buntis, Maaaring mamatay ang bata sa loob ng sinapupunan mo."